Tuesday, January 17, 2006

hiwaga ng pula't asul

Tumbok---18jan06

ATTENTION: TUMBOK c/o RONI
From: Oliver Ty Ang, Mahihiwagang kulay at numero

Dear Oliver,
NAIS ko ring malaman ang mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. Isa akong security guard at nabuburyong na ako sa trabaho ko kaya’t sumulat ako upang makahingi ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang buwenas na negosyo sa akin? Anon a ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hulyo 21, 1970.

ROBERT NG ILIGAN CITY

Dear Robert,
TAGLAY mo ang mahiwagang kulay pula at asul. May dugo kang martir at may kakayahan kang isakripisyo ang sarili para sa kapakanan ng iyong mga minamahal. Nangangahulugan ito na buwenas ka sa mga negosyo na nakapagseserbisyo ka sa mga tao tulad ng repair shop, computer rentals, laundry service at maging sa barber shop. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2010 at 2013 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Nobyembre at Enero lalo na sa mga petsang 2, 8, 12, 17, 23, 26, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo. Numero nuwebe (9) at tres (3) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.7. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-27-34-36-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-11-16-23-25-26-30-34-36-40-42. Triple Number: 4-5-8/ 1-5-7/ 8-9-2. 6-digit: 3-3-6-7-8-2/ 2-1-2-5-8-2/ 8-9-2-3-6-2. Bingo Mystery Eight: 4-14-33-45-56-68-70-74. Mapalad ang dos (2) kapag nakamarka sa violet at nasa unahan ang kuwatro (4). Okey ang sais (6) kapag nakasulat sa red at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa otso (8) at tres (3).
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home