terorista
NAGSIMULA na ang military exercises ng 5,000 US troops.
Huhhhh, nakapasok na ang mga TRAYDOR.
At mga tunay na TERORISTA NG DAIGDIG.
----$$$---
OKET daw kay Vice Noli na PAIKLIIN ang kanyang termino.
Kung siya ang susunod na PANGULO.
Ngekkkk.
----$$$---
NAPIPIKON na ang Senado sa pambabastos ng Malacanang.
Aba, kasi’y SOBRANG DUWAG kayo.
Pweeeeee!
-----$$$---
PINANGUNAHAN ni Ate Glo ang PAGLILINIS ng squatters mula sa riles ng tren.
Alam kaya niya na NANGANGAMATAY ang mga inilipat sa RELOCATION site dahil sa gutom, kawalan ng tubig at kuryente?Maawa naman kay Juan?
----$$--
NATUKLASAN na ang gamut kontra sa OBESITY o sobrang pagtaba.
Maraming NANAY ang matutuwa.
----$$--
NASUNOG ang presidential yacht na “ANG PANGULO”.
Sige, sasabihin ko kay VICKY TOH.
----$$$--
IRE-REFILE daw ang panukalang-batas sa P125 a day salary increase.
Kalokohan.
Drama lang yannnn.
-----$$=--
AYON kay John Stuermer: Hindi TOTOONG MALUSOG ang ekonomiya ng Pilipinas.
Tulad ng adviser ni Ate Glo, isa rin siyang FOREIGNER.
Huhhh, pinanghihimasukan na tayo ng mga DAYUHAN.
Tuwang- tuwa pa ang Pinoy.
--30---
editorial
head:
KOKOBRA ng $ 2 milyon hanggang $4 milyon si Manny Pacquiao sa kanyang laban kay Erik Morales ng Mexico sa Las Vegas, Nevada, USA sa Linggo—matalo man ito o manalo!
Aba, kung iuuwi ni Pacman ang naturang kayamanan sa Pilipinas, malinaw na makakatulong ito sa ekonomiya.
Paano na kung mayroon tayong 10 “Pacquiao” bawat buwan—mabibilis tayong makakaahon sa krisis.
Teka, kailan lang ay tumabo rin ng dolyares ang kampeon ng masa na si Efren “Bata” Reyes ng billiard at nagbabalik ang kalidad ni 4-time World Cup champion Paeng Nepomuceno.
Kilala na rin ang mga kabataang Pinoy sa larangan ng ladies golf.
Kung susuriin natin, ang sports development program ay hindi isang simpleng libangan o pamlipad-oras lamang ng indibidwal—kundi ito ay isang epektibong pundasyon sa macro economy.
Taliwas sa professional basketball na nagtatapon ng dolyares sa mga durugistang imported players, ang boxing, billiard at golf ay nagpapasok ng kayamanan at prestihiyosong sa ating bansa.
Dapat ay bigyan ng prayoridad ng gobyerno ang sports—at ang buhay na bayani na overseas Filipino workers ay walang duda na hinahatak ng mga Pinoy SPORTS GREATS.
Ipagdasal nating magwagi si Pacman sa Las Vegas—siya ang tunay na bayaning buhay sa puso ni Juan!
----30--

0 Comments:
Post a Comment
<< Home