Wednesday, January 25, 2006

Kumarga ng sanggol

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko na nanganak ako pero malaki na agad siya at nagsasalita agad. Naglalaro daw kami at masayang masaya ako. Minsan naman ay nananaginip ako na karga ko ang isang baby pababa sa hagdanan pero bigla itong naglikot kaya’t nahulog. Nang bumagsak ang baby ay parang eskayola ito na nawasak sa lupa. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong July 16, 1978. Bagong kasal lang ako at wala pang anak. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

ANITA NG NOVALICHES, QC

Dear Anita,
Ang sanggol ay sumisimbolo sa isang bagong aktibidad o pagpasok sa bagong yugto ng buhay. Kung nagsasalita agad ang baby, nagsasabi ito na masyado mong inaapura ang katuparan ng iyong mga pangarap kaya’t maaaring mapurnada ito. Gayunman, malinaw na apektado ng iyong lihim na pagnanais na magkaanak ang detalye ng iyong panaginip. Natutupad kasi sa panaginip ang mga hilaw na pangarap. Kung bumaba ka sa hagdanan na may sanggol, may lihim kang takot na hindi mo magampanan ang pangangailangan ng iyong mga supling at masyado kang nadidistorbo nito. Kung bumagsak sa lupa, nagbabala ito ng pagkadiskaril ng iyong mga pangarap. Dapat ay maging praktikal ka at makatotohanan sa iyong mga plano sa buhay upang hindi mabigo. Katapat ng sanggol ay No. 6; No. 23 ang hagdan; No. 17 ang pagkabasag; No. 30 ang pagkarga; No. 25 ang masaya. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 16 ay mahirapan sa pagdedesisyon pero maraming tao ang magkukusa na tulungan ka sa katuparan ng iyong mga pangarap. Pinakabuwenas mo ang No. 7 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 9. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-11-19-23-28-34-37-40-42.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home