Friday, January 27, 2006

Mortar ang agimat ko

SINALUBONG ng milyong-milyong si Manny Pacquiao kahapon.
Sana’y hindi siya GAMITIN ng mga politico.

------$$$---
WALANG kaduda-duda na TATABO pa si Manny ng bilyong PISO.
Aba’y pag-aagawan siya ng magkaribal na GLOBE at SMART.

-----$$$---
MADALI nang malilimutan ng tao si DA KING.
Narito na kasi si PACMAN.

------$$$---
TINUNGKAB ng Senado ang pagkalustay ng Marcos account.
Hindi ba kayo nagtataka?Tahimik na tahimik ang Pamilya Marcos tungkol sa isyu.

-----$$$--
HABANG nagsasaya ang mga taga-MetroManila sa pagsalubong kay Pacman, nalulunod muli ang mga taga-Aurora at Dingalan ,Quezon dahil kay “AGATON”.
May maitulong kaya si Pacquiao sa mga NAGUGUTOM na taga-Quezon.
Balato naman daw, Mr. Champion.

-----$$$---
NAGMATIGAS si ex-Supreme Court Chief Justice Hilario Davide sa pagtanggap ng appointment bilang presidential adviser on electoral reforms.
Hindi ito nakapagtataka.
Hindi kaya iyan mismo ang BAYAD sa kanyang serbisyo sa Edsa Dos?
Tsk, tsk, talagang wala siya DELICADEZA.
Pweeeee!

----$$---
NAKISIGAW ang labor groups sa DOLE na nagrekomenda na ibalik ang ENGLISH bilang medium of instruction sa mga eskuwelahan.
WATYUSEYYYY?Mga ugokkkkkkkkk!

----$$----
SABI ni Speaker JDV: Hindi sasama ang mga Pinoy sa KUDETA.
Iyan ang paniniwala mo.
Huwag sanang MASUNOG ANG MANSION mo.

------$$---
IPINABABATID ng mga airport authorities na BAWAL ang MAGDALA ng BALA NG BARIL bilang agimat o bertud sa pagsakay ng eroplano.
At INAARESTO at IDINEDEMANDA ang mga nakukumpiskahan nito.
Huhhh, buti na lang, nalaman ko.
Hindi ko na dadalhin ang agimat na bigay sa akin ni Mang SEGISMUNDO: BALA NG MORTAR.
Ngekkkkkkk!

----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home