Friday, December 09, 2005

vidal triple, tax (10dec05)

Bistado—10dec05

Head:


PUMALO sa negative thirty (- 30) ang APPROVAL RATING kay Ate Glo.
Eh, ano ngayon?
Tatalab bay an?

---$$--
UMENTRA na ang 3RD WIFE ni ISAFP Agent Vidal Doble.
Siya na ngayon ay VIDAL TRIPLE.

----$$--
NAKAISKOR ang piso kontra dolyar.
P53.67 kada dolyar ang palitan.
Yayaman ang mga GASTADOR na naiwan ng mga OFWs.

----$$----
IMINARKA ang pangalan nina Cardinal Sin at Haydee Yorac sa BANTAYOG NG MGA BAYANING NAKIPAGLABAN kuno sa Kalayaan sa panahon ng Martial Law.
Matagal nang WALA ang Martial Law, pero NABAGO ba ang mga bayaning ito?Dib a wala rin?

-----$$--
ANG tunay na bayani sa panahon ng KRISIS ay ang mga NAGUGUTOM sa squatter area.
Pinapatay sila ng MAPANG-APING LIPUNAN nang DAHAN-DAHAN.
May lulupit pa bang sakripisyo dyan?

-----$$$--
NARESOLBA na ang LABOR DISPUTES sa Hacienda Luisita.
Naareglo ang mga OBRERO sa halagang P40 milyon.
Mula sa pagiging TENANT, sila naman ngayon ang PROPITARYO.

-----$$-
NAMATAY na sa Spain ang ninuno ng mga Ayala na si Mercedes Zobel McMicking sa edad 98.
Makamana kaya ako dyan?

-----$$--
NAGHIHINTAY ng saklolo ang 120,000 katao na biktima ng malaking BAHA sa Calapan, Mindoro.
Tiyak na SISIHIN ditto ang mga ILLEGAL LOGGERS.
Ano kaya ang sey ditto ni DENR Sec. Mike Defensor?

----$$$--
HUMIHINGI ng P250 milyong budget ang Philippine Sports Commission (PSC).
Para may MAKURAKOT.

-----30-

editorial

head:

NANANATILING negatibo ang approval rating ni Ate Glo sa kabila ng pag-iskor ng piso kontra sa dolyar.
Nangangahulugan kaya na hindi ibinigay ang kredito ng pagtaas ng halaga ng piso pabor sa Malacanang.
Kasi naman ay mulat na ang taumbayan na ang tunay na nagpapatatag sa piso ay ang mismong $10 bilyong dollar remittances ng mga overseas Pinoy.
Ano nga naman ang kinalaman ni Ate Glo sa gayong istatistiks dahil kahit sino ang maupo sa Malacanang ay tiyak naming magpapadala ng dolyares ang milyong milyong OFWs.
Maganda rin ang credit ratings na ibinibigay ng mga financing institutions upang matukso ang gobyerno na mangutang nang mangutang upang ang BUWIS na kokolektahin mula sa mga mamamayan ay kanilang mahuthot palabas ng bansa.
Sa ngayon, sa P10 nakokolekta –P9 dito ay ibinabayad sa interest at principal na inutang ng gobyerno sa mga dayuhan at PISO lamang ang nauuwi sa programa ng pamahalaan.
Ang PISO nauuwi sa proyekto ay mababawasan pa ng 60 sentimos na paghatian ng kontraktor at opisyal na maglalabas ng pondo sa proyekto.
Sa totoo lang, mula sa P10 buwis, 40 sentimos lang ang mauuwi sa taumbayan.
Alam kaya ito ng ordinaryong mamamayan?
---30--










BISTADO for: dec 11 issue

Head:


SISIMULAN na ang North Rail Transit System.
Dapat lang!

-----$$--
NABIGO si GM Eugene Torre na mahatak ang RP Chess Team sa 23 SEAGames.
May ANAY na ang TORE.

----$$--
ISA rin sa napahiya ang KUMPARE ko si Go Teng Kok.
Bigo ang athletics at chess na kanyang hinahawakan.
Sino kaya ang SUMABOTAHE?

-----$$$--
ISANG pasahero ng eroplano sa US ang binaril at napatay ng mga AIR MARSHALS.
Ipinagyabang kasi niya na may DALA siyang BOMBA.
Malagim na BIRO.

-----$$-
NANGGGUGULO na naman ang isang nagpakilalang PAKSIYON ng AFP na pabor sa KUDETA.
Hindi na kaya ito MATATAPOS?Mag-Pasko naman kayo.

-----$$$--
NASABIT sa away ang aktres na si Rachel Lobangco kontra sa isa ring babae sa isang BADMINTON COURT sa Pasig City.
Hindi nilinaw kung NAGKAHUBARAN ang dalawa.

------$$---
UMAAPAW na ang Divisoria sa mga naghahagilap ng BARGAIN.
Napupuno rin ang mga MALLS sa mga nagw-WINDOW SHOPPING pero hindi naman namamakyaw.

-----$$$---
KAKAUNTI na rin ang kumakain sa FASTFOOD chain.
Kasi’y NAGBABAON na lamang pagkain ang mga OBRERO.

-----$$---
PAPALO kasi sa P200 ang makakain mo sa fastfood chain sa maghapong pagtatrabaho.
Pero kokobra ka lamang ng P250 kasi’y ibinawas ang SSS, Pag-IBIG, TAX at Philhealth.
Paano pa ang PAMASAHE at kulerete ni Inday.
Wala nang maiuuwi kay Nanay.

------$$--
DAPAT ay gawin na lamang PERO-ORA ang trabaho sa Pilipinas.
Upang makapagtrabaho sa TATLONG KOMPANYA ang mga MANGGAGAWA tulad sa ibang bansa.
Malabo ito kasi’y BOPOL an gating mga MAMBABATAS.

----30—

editorial

head;

INAMIN ni Finance Sec. Margarito Teves na hindi pa maipatutupad agad ang binabalak na pagpapaliit sa income tax na ibinabayad ng ordinaryong mamamayan.
Hihintayin muna ng gobyerno na matiyak na epektibo ang 12 percent Expanded Value Added Tax (EVAT) upang maiaabsuwelto ang P200 bilyong deficit.
Binabalak na magpatupad ng dagdag na exemption sa mga obrerong may malilit na suweldo at tax credits para sa mga negosyante.
Pero ang lahat ng mungkahi sa pagbabawas ng income tax ay kailangan pang pagtibayin sa Kongreso at lagdaan ni Ate Glob ago maging tunay na batas.
Kumbaga, bago saklolohan ang mga naaaping-uri ay parurusahan muna sila ng sangkatutak na pagkolekta ng buwis na inaasahang magpapalobo sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Ganap nang ipatutupad ang 12 percent EVAT sa Pebrero kaya’t inaasahang ang sobrang paglobo ng mga paninda sa merkado at pagsasarado ng ilang kompanya at pabrika.
Ngayon Kapaskuhan, hindi dapat pagtuunan ng mga Pinoy kung paano gagastusin ang kakarampot na 13th month pay kundi kung paano ito MAITATABI at magamit na pang-emergency sa panahon ng krisis sa susunod na taon.
Malungkot ang Pasko, pero mas malungkot ang Bagong Taong 2006!
----30--