Friday, January 27, 2006

Buwenas na 8 at 9

Dear David,
REGULAR akong mambabasa ng kolum mo at nais kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Ipinanganak ako noong Setyembre 18, 1970. Isa akong dating OFWs pero hindi na ako makabalik ngayon sa abroad. Naubos na ang mga naipon ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. May maliit akong sari-sari store pero maliit lang ang kita ko at madalas pang nauutang kaya't napapaaway lamang ako sa paniningil.Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.
LOLIT NG ILIGAN CITY
Dear Lolit,
KARANIWANG napapagitna sa serye ng mga intriga at away ang tulad mong may mahiwagang No. 9 at No.8. Maseselan at pambihirang pangyayari ang mararanasan mo na hindi magaganap sa ordinaryong tao. Tama, super-espesyal ang buhay mo, extra-ordinary pero ito ay maaaring maging extreme negative oextreme positive batay sa iyong sistema sa pagtanggap ng kakaibang problema. Sikapin mong makalmante at mapanatag upang makapagdesisyon ka ng angkop at tama na siyang magiging pundasyon mo sa pagtatagumpay. Makakabalik ka naman sa pag-aabroad kung magko-concentrate ka sa pag-aapply at makakaalis ka bago may Agosto sa taong ito. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2006 at 2007 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at paga-abroad. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hulyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Sabado. Kulay pula at itim ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 6 sa No.9 at No.8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-6-11-18-22-28-34-36-40-42. ASSET tips: 4-7-5/ 8-9-2/ 1-2-4/ 4-3-7.Wiretips: 4-3-7/ 9-2-1/ 3-2-6/ 8-9-2. Luzon guide: 3-6-11-18-22-28-34-38-40-42. VisMin: 3-6-11-18-22-28-34-37-40-42. MegaLotto: 2-11-16-22-28-34-36-40-42. Coded tips: kabayo- baka- kalabaw/ pula- itim-puti/ n-a-s.
----30--

Lucky maroon

Dear Oliver,
GOOD DAY po! Avid follower po ako ng kolum mo at nais ko ring humingi ng guide sa pagtatagumpay. Bigyan mo sana ako ng mahihiwagang kulay at numero na magpapabago sa takbo ng aking buhay. Anong negosyo ba ang buwenas sa akin? Maraming beses na akong nagnegosyo pero bumagsak lahat.Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ano po ba ang masasabi mo sa health at buhay ng pamilya ko? Marso 15, 1953 ang birthday ko. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero sa jai alai at lotto.
PATERNO (tandags@yahoo.com)
Dear Tandags,
TIPIKAL sa tulad mong may mahiwagang kulay maroon ay masarap magmahal. Umiinog ang iyong buhay sa intense emotions—ito mismo ang nagpapaandar at kumokontrol sa iyong mga desisyon kaya't madalas kang malugi sa negosyo. Dapat ay matuto kang maging praktikal.Huwag kang magdesisyon batay sa kung masaya ka ba o hindi sa iyong gagawin kundi dapat ay itanong mo muna sa iyong sarili: Tama ba ito o masama. Maaring magdesisyon ka ng tama kahit malungkot ka o magdesisyon ka nang masaya ka kahit alam mong mali.Iyan mismo ang dahilan kaya't nalulugi ka. Kung nahihirapan kang magdesisyon, maghanap ka ng mapagkakatiwalaan tao may kakayahan o kuwalipikasyon magdesisyon batay sa kanyang expertise o karanasan at iwasan mong makialam sa bagay o sitwasyon o larangang wala ka naman gaanong kaalaman o karanasan. Buwenas ka sa negosyo na may mahihigpit na kumpetensiya pero kalmante ka lamang at hindi dapat nate-tension o nagpa-panic. Makakatas nang todo ang iyong talino kapag pumasok ka sa mga seasonal products o mga napapanahong produkto. Taglay mo rin ang mahiwagang kulay pula kaya't sobra sobra ang tiwala mo sa sarili mo na siyang kadalasang nagpapahamak sa iyo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, at 2010 at 2013 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Agosto, Disayembre at Pebrero lalo na sa mga petsang 5, 8, 11, 17, 23, 27 at 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Martes at Sabado. Buwenas ka sa numero sais (6) at nuwebe (9). Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-7-11-19-23-28-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-3-11-15-18-23-24-30-34-36-40-42. Triple Number: 3-2-5/ 4-5-8/ 2-1-5. 6-digit: 4 Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa dilaw at nasa unahan ang siete (7). Okey ang sais (6) kapag nakasulat sa violet at nasa hulihan ang uno (1).
----30---

Ano ang delicadeza?

IPINAGMALAKI pa ni dating Supreme Court Chief Justice Hilario Davide Jr na walang masama kung tanggapin niya ang puwesto bilang presidential adviser on electoral reforms sa pagsasabing walang kinaaman ito sa politika.
Bakit kaya ang nakapag-aral na tao ay hindi maunawaan ang simpleng kahulugan ng DELICADEZA?
Ang pagtanggap ni David eng puwesto sa Malacanang ay hindi nalalayo sa kaso ng mga dating Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na itinatalaga rin sa gobyerno matapos ang pagreretiro.
Bagaman legal ang estilong ito, pero isang IMMORAL ito sa mga tao may mataas na antas ng pagpapahalaga sa dignidad ng indibidwal—at siyempre, DIGNIDAD ng PUBLIC SERVICE.
Ibig sabihin, hindi mabuting ugali o asal na tumanggap ng posisyon sa gobyerno ang mga nagretirong mahistrado at heneral dahil aktuwal na nagiging TOTOONG PAMBAYAD ang naturang posisyon sa kanilang mga DESISYON at AKSIYON na pumabor sa appointing officer nang sila pa ay aktibo sa maseselang trabaho sa pamahalaan.
Tinanggap ni Davide ang puwesto sa Malacanang bilang pagtanggap ng BAYAD o INSENTIBO kapalit ng PAGPAPANUMPA at PAGKILALA ng Korte Suprema bilang lehitimong puno ng Repubika ang isang dating BISE PRESIDENTE kahit hindi nagre-resign ang elected president.
Sa kaso ni ex-Chief of Staff Angelo Reyes, tinanggap niya ang pagiging Defense Secretary at DILG Secretary bilang pagtanggap ng BAYAD o INSENTIBO sa pagtalikod o pagtraydor sa kanyang COMMANDER-IN-CHIEF.
Kung legal at moral ang pagtanggap ng posisyon nina Davide at Reyes—isang napakasamang PRECEDENT ang kanilang itinindig sa kasaysayan ng public service sa Pilipinas.
Hindi ito public service kung gayon bagkus ito ay PERSONAL SERVICE ng mga kolokoy para sa kanilang sariling kapakanan na isang klase rin ng graft and corruptin sa pinakamataas na antas.
Kaawa-awa naman si Juan.
----30---

Mortar ang agimat ko

SINALUBONG ng milyong-milyong si Manny Pacquiao kahapon.
Sana’y hindi siya GAMITIN ng mga politico.

------$$$---
WALANG kaduda-duda na TATABO pa si Manny ng bilyong PISO.
Aba’y pag-aagawan siya ng magkaribal na GLOBE at SMART.

-----$$$---
MADALI nang malilimutan ng tao si DA KING.
Narito na kasi si PACMAN.

------$$$---
TINUNGKAB ng Senado ang pagkalustay ng Marcos account.
Hindi ba kayo nagtataka?Tahimik na tahimik ang Pamilya Marcos tungkol sa isyu.

-----$$$--
HABANG nagsasaya ang mga taga-MetroManila sa pagsalubong kay Pacman, nalulunod muli ang mga taga-Aurora at Dingalan ,Quezon dahil kay “AGATON”.
May maitulong kaya si Pacquiao sa mga NAGUGUTOM na taga-Quezon.
Balato naman daw, Mr. Champion.

-----$$$---
NAGMATIGAS si ex-Supreme Court Chief Justice Hilario Davide sa pagtanggap ng appointment bilang presidential adviser on electoral reforms.
Hindi ito nakapagtataka.
Hindi kaya iyan mismo ang BAYAD sa kanyang serbisyo sa Edsa Dos?
Tsk, tsk, talagang wala siya DELICADEZA.
Pweeeee!

----$$---
NAKISIGAW ang labor groups sa DOLE na nagrekomenda na ibalik ang ENGLISH bilang medium of instruction sa mga eskuwelahan.
WATYUSEYYYY?Mga ugokkkkkkkkk!

----$$----
SABI ni Speaker JDV: Hindi sasama ang mga Pinoy sa KUDETA.
Iyan ang paniniwala mo.
Huwag sanang MASUNOG ANG MANSION mo.

------$$---
IPINABABATID ng mga airport authorities na BAWAL ang MAGDALA ng BALA NG BARIL bilang agimat o bertud sa pagsakay ng eroplano.
At INAARESTO at IDINEDEMANDA ang mga nakukumpiskahan nito.
Huhhh, buti na lang, nalaman ko.
Hindi ko na dadalhin ang agimat na bigay sa akin ni Mang SEGISMUNDO: BALA NG MORTAR.
Ngekkkkkkk!

----30---

Wednesday, January 25, 2006

Kumarga ng sanggol

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko na nanganak ako pero malaki na agad siya at nagsasalita agad. Naglalaro daw kami at masayang masaya ako. Minsan naman ay nananaginip ako na karga ko ang isang baby pababa sa hagdanan pero bigla itong naglikot kaya’t nahulog. Nang bumagsak ang baby ay parang eskayola ito na nawasak sa lupa. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong July 16, 1978. Bagong kasal lang ako at wala pang anak. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

ANITA NG NOVALICHES, QC

Dear Anita,
Ang sanggol ay sumisimbolo sa isang bagong aktibidad o pagpasok sa bagong yugto ng buhay. Kung nagsasalita agad ang baby, nagsasabi ito na masyado mong inaapura ang katuparan ng iyong mga pangarap kaya’t maaaring mapurnada ito. Gayunman, malinaw na apektado ng iyong lihim na pagnanais na magkaanak ang detalye ng iyong panaginip. Natutupad kasi sa panaginip ang mga hilaw na pangarap. Kung bumaba ka sa hagdanan na may sanggol, may lihim kang takot na hindi mo magampanan ang pangangailangan ng iyong mga supling at masyado kang nadidistorbo nito. Kung bumagsak sa lupa, nagbabala ito ng pagkadiskaril ng iyong mga pangarap. Dapat ay maging praktikal ka at makatotohanan sa iyong mga plano sa buhay upang hindi mabigo. Katapat ng sanggol ay No. 6; No. 23 ang hagdan; No. 17 ang pagkabasag; No. 30 ang pagkarga; No. 25 ang masaya. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 16 ay mahirapan sa pagdedesisyon pero maraming tao ang magkukusa na tulungan ka sa katuparan ng iyong mga pangarap. Pinakabuwenas mo ang No. 7 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 9. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-11-19-23-28-34-37-40-42.
---30---

Tuesday, January 17, 2006

lucky 7, 4

Bandera—18jan06

ATTENTION: BANDERA c/o LITO BAUTISTA
From: David Smith, Galaw ng Numero

Dear David,
BAKIT kaya walang nobyo na nagtatagal sa akin. Pinakamatagal na ang anim na buwan? Nahihirapan na ako at naiinggit ako sa mga barkada ko na lagging may partner at masaya sila. Makakapag-asawa pa ba ako? Ipinanganak ako noong Nobyembre 7, 1975. Ano ba ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay? Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

MARITESS NG CAGAYAN DE ORO CITY

Dear Maritess,
NUMBER seven (7) at four (4) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Nakasandal sa tulong ng ibang tao ang iyong pag-unlad. Mahalagang maging maunawain, matulungin, mapagpatawad ka sa mga taong nagkakasala sa iyo. Sa ban dang huli, sila rin mismo ang tutulong sa iyo. Ang tunay na kayamanan mo ay ang mga taong nasa paligid mo—iaangat ka nila tungo sa pagtatagumpay. Kapag binalewala mo sila, sila rin ang magpapabagsak sa iyo. Buntala ng Neptune at Uranus ang kumukontrol sa iyong pagkatao. Matalas ang iyong imahinasyon at walang hanggahan ang iyong ideya at talino—linangin mo ito at gamitin sa negosyo. May kakaiba kang buwenas na makukuha sa pagsapit ng mapalad mong taong 2008 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap. Buwenas ka sa mga buwan ng Enero, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Kulay berde at dilaw ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo sa No. 7 at No. 4 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod:2-6-11-18-23-26-34-37-40-42. ASSET tips: 4-7-2/ 5-6-1/ 8-2-6. Wiretips: 5-7-9/ 2-4-8/ 1-3-2. Double digit; 5-8/ 2-4/ 6-0/ Luzon guide: 2-7-11-18-22-28-34-36-40-42. VisMin: 3-7-11-19-23-28-34-37-40-42. MegaLotto: 2-6-11-19-23-27-34-36-40-42. Four Number: 4-3-7-8/ 2-6-2-4/ 8-2-4-2. Coded tips; kamatis- sibuyas- luya/ ruby- jade- sapphire/ m-d-r.
-------30--

terorista

NAGSIMULA na ang military exercises ng 5,000 US troops.
Huhhhh, nakapasok na ang mga TRAYDOR.
At mga tunay na TERORISTA NG DAIGDIG.

----$$$---
OKET daw kay Vice Noli na PAIKLIIN ang kanyang termino.
Kung siya ang susunod na PANGULO.
Ngekkkk.

----$$$---
NAPIPIKON na ang Senado sa pambabastos ng Malacanang.
Aba, kasi’y SOBRANG DUWAG kayo.
Pweeeeee!

-----$$$---
PINANGUNAHAN ni Ate Glo ang PAGLILINIS ng squatters mula sa riles ng tren.
Alam kaya niya na NANGANGAMATAY ang mga inilipat sa RELOCATION site dahil sa gutom, kawalan ng tubig at kuryente?Maawa naman kay Juan?

----$$--
NATUKLASAN na ang gamut kontra sa OBESITY o sobrang pagtaba.
Maraming NANAY ang matutuwa.

----$$--
NASUNOG ang presidential yacht na “ANG PANGULO”.
Sige, sasabihin ko kay VICKY TOH.

----$$$--
IRE-REFILE daw ang panukalang-batas sa P125 a day salary increase.
Kalokohan.
Drama lang yannnn.

-----$$=--
AYON kay John Stuermer: Hindi TOTOONG MALUSOG ang ekonomiya ng Pilipinas.
Tulad ng adviser ni Ate Glo, isa rin siyang FOREIGNER.
Huhhh, pinanghihimasukan na tayo ng mga DAYUHAN.
Tuwang- tuwa pa ang Pinoy.
--30---

editorial

head:

KOKOBRA ng $ 2 milyon hanggang $4 milyon si Manny Pacquiao sa kanyang laban kay Erik Morales ng Mexico sa Las Vegas, Nevada, USA sa Linggo—matalo man ito o manalo!
Aba, kung iuuwi ni Pacman ang naturang kayamanan sa Pilipinas, malinaw na makakatulong ito sa ekonomiya.
Paano na kung mayroon tayong 10 “Pacquiao” bawat buwan—mabibilis tayong makakaahon sa krisis.
Teka, kailan lang ay tumabo rin ng dolyares ang kampeon ng masa na si Efren “Bata” Reyes ng billiard at nagbabalik ang kalidad ni 4-time World Cup champion Paeng Nepomuceno.
Kilala na rin ang mga kabataang Pinoy sa larangan ng ladies golf.
Kung susuriin natin, ang sports development program ay hindi isang simpleng libangan o pamlipad-oras lamang ng indibidwal—kundi ito ay isang epektibong pundasyon sa macro economy.
Taliwas sa professional basketball na nagtatapon ng dolyares sa mga durugistang imported players, ang boxing, billiard at golf ay nagpapasok ng kayamanan at prestihiyosong sa ating bansa.
Dapat ay bigyan ng prayoridad ng gobyerno ang sports—at ang buhay na bayani na overseas Filipino workers ay walang duda na hinahatak ng mga Pinoy SPORTS GREATS.
Ipagdasal nating magwagi si Pacman sa Las Vegas—siya ang tunay na bayaning buhay sa puso ni Juan!
----30--

hiwaga ng pula't asul

Tumbok---18jan06

ATTENTION: TUMBOK c/o RONI
From: Oliver Ty Ang, Mahihiwagang kulay at numero

Dear Oliver,
NAIS ko ring malaman ang mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. Isa akong security guard at nabuburyong na ako sa trabaho ko kaya’t sumulat ako upang makahingi ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang buwenas na negosyo sa akin? Anon a ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hulyo 21, 1970.

ROBERT NG ILIGAN CITY

Dear Robert,
TAGLAY mo ang mahiwagang kulay pula at asul. May dugo kang martir at may kakayahan kang isakripisyo ang sarili para sa kapakanan ng iyong mga minamahal. Nangangahulugan ito na buwenas ka sa mga negosyo na nakapagseserbisyo ka sa mga tao tulad ng repair shop, computer rentals, laundry service at maging sa barber shop. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2010 at 2013 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Nobyembre at Enero lalo na sa mga petsang 2, 8, 12, 17, 23, 26, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo. Numero nuwebe (9) at tres (3) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.7. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-27-34-36-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-11-16-23-25-26-30-34-36-40-42. Triple Number: 4-5-8/ 1-5-7/ 8-9-2. 6-digit: 3-3-6-7-8-2/ 2-1-2-5-8-2/ 8-9-2-3-6-2. Bingo Mystery Eight: 4-14-33-45-56-68-70-74. Mapalad ang dos (2) kapag nakamarka sa violet at nasa unahan ang kuwatro (4). Okey ang sais (6) kapag nakasulat sa red at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa otso (8) at tres (3).
----30--