newsjabs,KAMAO, april 28-Mayo 5
NEWSJABS
01.Rev bigo
NAPURNADA si Cebu-based Ilonggo boxer Rev Santillan ng RWS stable na maidepensa ang kanyang Oriental and Pacific Boxing Federation (OPBF) welterweight title nang talunin sa split decision ni undefeated Japanese challenger Hiroshi Yamaguchi sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan kamakailan.
Dikit ang laban kung saan pinaboran si Yamaguchi ng dalawang judges—Anek Hongtongkam ng Thailand, 114-113; Ukrid Sarasas ng Japan, 115-113; at kinatigan naman ng Pinoy judges na si Alex Vidal ang kababayan si Santillan sa 115-112.
Nakaiskor lamang ang Japanese sa mga huling round upang mapaganda ang record sa malinis na 16 wins na may 11 knockout at isang tabla. Pumangit ang kartada ni Santillan sa 22-3-1 win-loss-draw record. (Abraham Catiis).
02.Ensayo sa Baguio
MAGSISILBING training gym ni Manny Pacquiao ang training facilities ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) sa Baguio City bilang paghahanda sa laban kay Oscar Larios sa Hulyo 2 sa Araneta Coliseum.
Ikinatuwa ni ABAP president Manny Lopez at ng mga Pinoy amateur fighters ang nakatakdang pag-eensayo doon ni Pacquiao dahil makikita nila kung paano ito hahasain ni American trainer Freddie Roach.
Mage-ensayo sa Baguio si Pacquiao nang anim na araw sa loob ng isang linggo sa buwan ng Hunyo matapos ang mahigpit ding pagsasanay sa Wild Card gym ni Roach sa Los Angeles sa buwan ng Mayo.
Hahasain naman si Larios sa Japan pero inaasahang dadayo siya sa Maynila sa buwan ng Mayo upang mai-promote ang laban bago bumalik sa Mexico. (Rainier Baldoz)
03.Suico sisingit
TATANGKAIN ni World Boxing Council (WBC) No.10 ranked at ex-OPBF champ Randy Suico (24-2, 21 Kos) na makopo ang bakanteng OPBF 135-pound title kontra kay Pongpetch Chuwatana ng Thailand sa kampeonatong gaganapin sa Cebu City sa Mayo 27.
Iniwanan ang naturang titulo ni OPBF lightweight champion Chikashi Inada na nakatakdang sagupain naman si Sirimongkol Singmanassak Singwangcha sa Mayo 20 sa Los Angeles.
Sakaling manalo si Suico, magiging tiket niya ito upang mapabilang sa supporting bout ng Pacquiao- Larios match sa Hulyo 2 kung saan mabibigyan siya ng international exposures. ( John Krisna Sigalat)
04.Takot sa kidnap
IKINATUWA ni BIR chief Jose Mario Bunag sa pagkukusa ni Manny Pacquiao na magbayad nang maayos ng kanyang mga buwis mula sa multi-milyong kinita sa ibang bansa.
Tumanggi ang BIR na ibunyag kung gaano kalaki ang ibinayad ni Pacman sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Franklin Gacal.
Nilinaw ni Bunag na isinama na ni Pacman sa pagbabayad ang mga buwis na hindi nabayaran sa mga kinita niya noong 2004.
Inamin ni Pacquiao na hindi niya mailalantad ang halaga ng kanyang kinita sa publiko upang hindi maging biktima ng kidnapping. ( Benjo Orbe)