Ano ang delicadeza?
IPINAGMALAKI pa ni dating Supreme Court Chief Justice Hilario Davide Jr na walang masama kung tanggapin niya ang puwesto bilang presidential adviser on electoral reforms sa pagsasabing walang kinaaman ito sa politika.
Bakit kaya ang nakapag-aral na tao ay hindi maunawaan ang simpleng kahulugan ng DELICADEZA?
Ang pagtanggap ni David eng puwesto sa Malacanang ay hindi nalalayo sa kaso ng mga dating Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na itinatalaga rin sa gobyerno matapos ang pagreretiro.
Bagaman legal ang estilong ito, pero isang IMMORAL ito sa mga tao may mataas na antas ng pagpapahalaga sa dignidad ng indibidwal—at siyempre, DIGNIDAD ng PUBLIC SERVICE.
Ibig sabihin, hindi mabuting ugali o asal na tumanggap ng posisyon sa gobyerno ang mga nagretirong mahistrado at heneral dahil aktuwal na nagiging TOTOONG PAMBAYAD ang naturang posisyon sa kanilang mga DESISYON at AKSIYON na pumabor sa appointing officer nang sila pa ay aktibo sa maseselang trabaho sa pamahalaan.
Tinanggap ni Davide ang puwesto sa Malacanang bilang pagtanggap ng BAYAD o INSENTIBO kapalit ng PAGPAPANUMPA at PAGKILALA ng Korte Suprema bilang lehitimong puno ng Repubika ang isang dating BISE PRESIDENTE kahit hindi nagre-resign ang elected president.
Sa kaso ni ex-Chief of Staff Angelo Reyes, tinanggap niya ang pagiging Defense Secretary at DILG Secretary bilang pagtanggap ng BAYAD o INSENTIBO sa pagtalikod o pagtraydor sa kanyang COMMANDER-IN-CHIEF.
Kung legal at moral ang pagtanggap ng posisyon nina Davide at Reyes—isang napakasamang PRECEDENT ang kanilang itinindig sa kasaysayan ng public service sa Pilipinas.
Hindi ito public service kung gayon bagkus ito ay PERSONAL SERVICE ng mga kolokoy para sa kanilang sariling kapakanan na isang klase rin ng graft and corruptin sa pinakamataas na antas.
Kaawa-awa naman si Juan.
----30---

0 Comments:
Post a Comment
<< Home