Lucky maroon
Dear Oliver,
GOOD DAY po! Avid follower po ako ng kolum mo at nais ko ring humingi ng guide sa pagtatagumpay. Bigyan mo sana ako ng mahihiwagang kulay at numero na magpapabago sa takbo ng aking buhay. Anong negosyo ba ang buwenas sa akin? Maraming beses na akong nagnegosyo pero bumagsak lahat.Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ano po ba ang masasabi mo sa health at buhay ng pamilya ko? Marso 15, 1953 ang birthday ko. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero sa jai alai at lotto.
PATERNO (tandags@yahoo.com)
Dear Tandags,
TIPIKAL sa tulad mong may mahiwagang kulay maroon ay masarap magmahal. Umiinog ang iyong buhay sa intense emotions—ito mismo ang nagpapaandar at kumokontrol sa iyong mga desisyon kaya't madalas kang malugi sa negosyo. Dapat ay matuto kang maging praktikal.Huwag kang magdesisyon batay sa kung masaya ka ba o hindi sa iyong gagawin kundi dapat ay itanong mo muna sa iyong sarili: Tama ba ito o masama. Maaring magdesisyon ka ng tama kahit malungkot ka o magdesisyon ka nang masaya ka kahit alam mong mali.Iyan mismo ang dahilan kaya't nalulugi ka. Kung nahihirapan kang magdesisyon, maghanap ka ng mapagkakatiwalaan tao may kakayahan o kuwalipikasyon magdesisyon batay sa kanyang expertise o karanasan at iwasan mong makialam sa bagay o sitwasyon o larangang wala ka naman gaanong kaalaman o karanasan. Buwenas ka sa negosyo na may mahihigpit na kumpetensiya pero kalmante ka lamang at hindi dapat nate-tension o nagpa-panic. Makakatas nang todo ang iyong talino kapag pumasok ka sa mga seasonal products o mga napapanahong produkto. Taglay mo rin ang mahiwagang kulay pula kaya't sobra sobra ang tiwala mo sa sarili mo na siyang kadalasang nagpapahamak sa iyo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, at 2010 at 2013 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Agosto, Disayembre at Pebrero lalo na sa mga petsang 5, 8, 11, 17, 23, 27 at 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Martes at Sabado. Buwenas ka sa numero sais (6) at nuwebe (9). Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-7-11-19-23-28-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-3-11-15-18-23-24-30-34-36-40-42. Triple Number: 3-2-5/ 4-5-8/ 2-1-5. 6-digit: 4 Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa dilaw at nasa unahan ang siete (7). Okey ang sais (6) kapag nakasulat sa violet at nasa hulihan ang uno (1).
----30---

0 Comments:
Post a Comment
<< Home