Monday, February 20, 2006

Marcosboy--part1

20feb06
10am

Head:

SA kabila ng katakot-takot na batikos ng mga kritiko, hindi ko kailanman ikinahiya na maging isang Marcos Loyalist.
Second high scool ako sa St. Lawrence Academy sa Balagtas, Bulacan nang ideklara ang Martial Law noong 1972;dating municipal federation president ng Kabataang Barangay, hepe ng Municipal Ministry of Human Settlements (MHS) office at scholar ng gobyerno; at nasa loob ako ng Malacanang complex nang umaga ng Pebrero 25 hanggang bandang 12:00- ng hatinggabi noong 1986 kasama ko ang tatlo ko pang kapatid na lalaki--na sina Gerry, Dikong Ben at ang mga birthday noon na si Jessie.
Isang dating barangay captain ang aming ama na si Kapitan Sucing kung saan naglingkod siya kasabay ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa 1965-1969 term. Isang saradong Nacionalista ang aking ama kaya’t laman ng kanyang mga kuwento si Pangulong Marcos at nakakasama niya ito sa mga espesyal na pulong kung saan tumanggap pa siya ng P2,000 halaga ng post-date check para sa isang future project sakaling manalo si Pangulong Marcos sa ikalawang termino. May mga litrato ang aking ama na iniaabot sa kanya ni Marcos ang naturang post-dated check para sa proyektong pambarangay. Ipinasya niya na gamitin ito sa pagkakaloob ng libreng construction ng mga toilet sa lahat ng bahay sa aming baryo. Libre ang construction materials at counterpart ng residente ang labor kung saan may mga kaso na nagbabayanihan noon. Elementary pa lamang ako ay naririnig ko ang masamang sistema ng politika sa bansa pero hindi ko gaanong nauunawaan. Natatandaan ko pa rin ang mga libreng seedlings, pesticide, fertilizers na ipinamudmod ng Presidential Arm for Community Development (PACD) na pinumumunuan noon ni Sacretary Ernesto Maceda kung saan regular na nagpapamiting ang kanyang mga extension workers sa loob n gaming bahay at gitna n gaming bukirin. May rasyon din ng libreng powder milk, harina, trigo, noodles at relief goods tuwing may kalamidad. Wala akong gaanong natatandaang negatibong ulat laban kay Marcos nang mga panahong iyon maliban sa mga komento ng grupo ng mga Liberal o oposisyon. Pero sa kabilang bayan ng Pandi, may ulat na maraming Huk o NPA ang gumagala. Marami ring aktibistang estudyante na humihingi ng permiso sa aking ama upang makapagpiket sa tapat ng Teeson Chemical Factory na nasa loob ng aming barangay dahil sa pollution. Popular na noon sina Ninoy Aquino, Arturo Tolentino, Jovito Salonga, Luis Taruc, son, Kumander Sumulong at Kumander Dante bilang mga kalaban ni Marcos batay sa ulat ng radio at telebisyon. Kabilang din ang aking ama nakatanggap ng libreng transistor radio mula sa PACD ni Maceda at nakatutok lagi ang aking ama sa pihitan ng National Media Production Center at sa Radio Veritas at gayundin sa DZRH. Bibihira lang ang may telebisyon at telepono sa Baryo Longos, Bigaa, Bulacan noon.
Nang magkaroon ng barangay election noong 1969, hindi na kumandidato ang ama ko kasi’y balak bumawi ang kanyang bilas na tinalo niya nang isang boto lamang noong 1965 kaya’t ang aking amain ang nanungkulang puno ng barangay nang ideklara ang Martial Law noong 1972.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home