US PASOK NA
UNTI-UNTI nang sumasali ang United States sa kaguluhan sa Thailand at Pilipinas.Sa totoo lang, kaya lumalabas ang ulat tungkol sa pagkakasangkot ng CPP-NPA-NDF sa isyu ng pag-agawa sa poder ay upang manatiling sinusuportahan ng America si Ate Glo.Kapag kasi walang “communist factor”, hindi tutulong ang mga Kano upang maidepensa o matulungan ang administrasyong Arroyo.Ibig sabihin, kapag nga naman nanalo ang alyansa ng Magdalo at CPP-NPA, eh di nga naman mae-etsapuwera ang US sa pagkontrol sa gobyerno.Hanggang isinasali sa isyu ang CPP-NPA, kalmante lang ang administrasyong Arroyo dahil nakatitiyak silang hindi siya iiwanan ni Uncle Sam.Lingid sa kaalaman ng iba, at taliwas sa ipinagyayabang ng mga promotor ng Edsa Revolution, hindi ang People’s Power ang nagpatalsik kay dating Pangulong Marcos.Saksi ang buong mundo at sambayanang Pinoy na puwersahang isakay ng mga Kano si Marcos sa helikopter at kidnapin patungo sa Hawaii.Nagbubulag-bulagan ang mga nagyayabang na sila ang bayani ng Edsa!Tuwing gugunitain ang anibersaryo, tinatakpan ang mahalagang papel at garapal na PANGHIHIMASOK ng US sa takbo ng gobyerno ng Pilipinas.Iyan din mismo ang kahulugan kung bakit detalyado ang ulat sa international na lathalain na TIME MAGAZINE kaugnay ng plano sa kudeta.Malinaw dito na aktuwal na nang NANGHIHIMASOK ang Kano sa isyung politikal sa bansa.Iyan ang pinakamalaking nerbiyos ng Malacanang.Ano ang palagay ninyo?----30--

0 Comments:
Post a Comment
<< Home