Wednesday, March 22, 2006

pacman-morales 3

head: Morales wasak ang mukha sa electronic bout
kicker: Pacman- El Terrible 3 e- bout
BANNER: MORALES DUGUAN
SA sobrang kasabikan ng mga Pinoy, ipinasok na rin sa computer fight games si Manny Pacquiao kung saan inireto siya sa kanyang kaaway na mortal na si Erik Morales.
Masasaksihan na ang electronic Pacman sa Xbox 360 kontra kay computerized Erik Morales sa Fight Night Round 3 mula sa diskarte ni Kiven Codamon.
Gusto mo bang matuklasan agad ang magiging diskarte at resulta ng ikatlong paghaharap nina Pacman at Erik gamit computer technique tulad sa PlayStation 2 version—blow-by-blow?
Narito panoorin natin:
Matapos pumindot ng “Play Now” option, siyempre, pipiliin si Pacquiao at huhugutin si Morales na kanyang makakalaban. Mapapansin dito na higit na maliksi at mabilis si Morales kompara kay Pacman pero higit namang may puwersa ang suntok at matibay ang panga. Mistulang totoo rin ang boxing arena at nakatutuwang pagmasdan ang eksena sa mga susunod na henerasyon.
ROUND 1: Kapwa sumusundot ng jabs ang dalawa, pero nakasisingit ng suntok sa bodega si Pacman kung saan inaasahang iindain at magpapahina kay Morales. Tinangka ni Pacman na paulanan ng kombinasyon si Morales pero hinilamusan siya nito ng matitinding counterpunches na bumalandra sa kanyang mukha. (Sa Fight Nighr Round 3, hindi puwede ang agarang palitan ng mga suntok)
Umatras nang bahagya si Pacman pero agad siyang pinabaunan ng matutulis na jabs. Kakaiba ang estilong ito ni Morales.(Sa FNR3, maaari mong igawa ng estilo ang napili mong boksingero. At kung gagamitin nang espesyal na kaliwang suntok, dapat ay ibuwelo mo ito at makadikit muna sa kalaban.Maari ring maging matibay ka sa pagtanggap ng suntok o biglang makasagot ng upak.). Sa kasong ito, jabs lamang ang ginamit ng “operator” ni Pacman upang idiskaril ang ratsadang kombinasyon ni Morales.
ROUND 2: Dumugo agad ang ilong ni Morales sa ikalawang round kasabay ng matutulis na jabs at sakyod sa katawan at mukha. Tinadtad ng suntok ang mukha ni Morales. At iyon mismo ang ipinapayo ng “corner” --durugin ang mukha at padalasin ang jabs, kung bago ka lamang naglalaro ng ganitong electronic fight games, kailangang sundin mo ang payo ng “corner”.
ROUND 3: Patas ang palitan ng suntok sa third round. Itinago na ni El Terrible ang kanyang mukha mula sa atake ng jabs at sakyod na suntok. May hiwa na sa kaliwang mata si Morales, pero hindi ito sapat upang itigil ang laban.Tinangkang tapusin ni Pacman ang laban, pero matatalim ang isinagot na suntok ng Mexican hero.
Manalo kaya si Pacman kay El Terrible, tulad sa aktuwal na bakbakang magaganap sa Las Vegas? Maipaghiganti kaya ni Morales ang kanyang pagkatalo sa huling engkuwentro?
Interesado ba kayo, batay sa http://www.inq7.com/, maaari ninyong sundan ang labang ito sa May issue ng GAME!, isang gaming magazine mula sa Hinge Inquirer Publications—itutuloy ni Kiven ang kanyang diskarte kung saan minamanok niya si Pacman.(Halaw ni Donn Ambrocio)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home